Ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs), o ang mga bagong bayaning Pilipino, ay maraming sinasakripisyo upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilyang naiwan sa Pilipinas. Kaya nararapat na ang kanilang pinaghihirapang kitain ay mapunta sa mabuting gamit. Isang paraan nito ay ang pagiging miyembro ng Pag-IBIG, isang savings program ng gobyerno.
Bago naisabatas ang Republic Act 9679, ang mga OFWs ay hindi kinakailangang magpa-rehistro. Ang mga nais sumali sa programa ay boluntaryong nagiging miyembro sa Pag-IBIG Overseas Program o POP. Ito ay naglalayong bigyan ang mga OFWs ng pagkakataon na makapagipon at makakuha ng housing loan, kung sakaling sila ay bibili na ng bahay.
Ngunit dahil ginawa ng mandatory ang pagiging miyembro sa Pag-IBIG, paano ito makakaapekto sa membership ng mga OFWs na unang naging miyembro ng POP o ng bagong programa? Ano ang mangyayari sa mga kontribusyon sa ilalim ng POP? Isasama ba ito sa kasalukuyang hulog ng OFWs?
Ito ang mga dapat malaman ng OFWs tungkol sa RA 9679:
1. Republic Act 9679 of the Home Development Mutual Fund Law of 2009
Mas kilala bilang Pag-IBIG Fund Law, ang batas na ito ay naglalayong paangatin ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pabahay sa bawat miyembro. Ito din ay nagbibigay daan upang makapagimpok ang bawat mamamayan para sa kinabukasan nila at ng kanilang pamilya.
Kapag natapos na ng OFW member ang 240 buwanang kontribusyon, o ang 20 taon na maturity period, maari na niyang kunin ang kabuuang halaga ng kanyang naipon. Kasama na din dito ang katumbas na kontribusyon na inihulog ng kanyang mga naging employer (kung mayroon) pati ang dibidendo na kinita nito.
2. POP Membership vs. Pag-IBIG I (RA 9679)
Ang Pag-IBIG Overseas Program ay ang dating voluntary program ng Pag-IBIG para sa mga Pilipinong nagtratrabaho sa ibang bansa. Subalit mula ng maisabatas ang RA 9679 noong Enero 2010, naging mandatory o kinakailangan na sa land-based o sea-based OFW na maging miyembro sa ilalim ng Pag-IBIG I program. Ito ay nagnanais na bigyan ang lahat ng Pilipino, nagtratrabaho man dito o sa ibang bansa, ng pantay na pagkakataon para makaipon at marating ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay.
Sa kabilang banda, ang Pag-IBIG membership ay nananatiling boluntaryo para sa mga immigrants at kumuha ng naturalized citizenship sa ibang bansa.
3. Paano maging miyembro?
Bawat OFW ay kinakailangan na magpa-rehistro bago sila umalis sa Pilipinas o bago sila bumalik galing sa ibang bansa. Kahit pa ang OFW ay miyembro na ng POP, dapat siyang magpa-rehistro sa Pag-IBIG I program.
Para sa mga nasa ibang bansa pa, maari silang magpa-rehistro sa opisina ng Pag-IBIG na nasa embahada o consular office. Kailangan nilang magpasa ng nasagutang Membership Registration Form (MRF-FPF095) o Membership Data Form (MDF-FPF0909). Maaring idownload ang form sa website ng Pag-IBIG.
Para sa mga nagiintay pang makaalis ng bansa, maari silang bumisita sa alinmang Pag-IBIG Branch malapit sa kanila o sa opisina nila sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA) Headquarters sa Mandaluyong City. Maari din silang pumunta sa Pag-IBIG Fund International Operations Group na matatagpuan sa 6th floor ng Justine Building sa Makati City. Mayroon din piling bangko at remittance centers na kinikilala ng Pag-IBIG kasama na ang Metrobank, Philippine National Bank, and iRemit Global Remittances Inc.
4. Magkano ang monthly contribution?
Ayon sa Pag-IBIG, ang pinakamababang maaring ihulog ng miyembro kada buwan (minimum contribution) ay Php 100. Subalit kung nais ng OFW na magkaroon ng pagkakaton na makakuha ng housing loan, kinakailangan niyang maghulog ng Php200. Ang halaga nito ay katumbas ng kasalukuyang halaga ng palitan ng piso.
Ang lahat ng kontribusyon ay sagot ng OFW, maliban na lamang kung nag-alok ang kanyang banyagang employer na magbigay din ng kontribusyon.
Kung sakaling nais ng OFW na maghulog ng mas malaking halaga, maari nilang gawin ito. Hinihikayat ng Pag-IBIG ang mga miyembro na maghulog ng mas malaking halaga upang kapag dumating na sa maturity period, o matapos ang 20 taon, mas malaki rin ang halagang makukuha nila. Kasama din dito ang tax-free na dibidendo.
Para magbayad ng kontribusyon, maaring pumunta ang OFW sa opisina ng Pag-IBIG na nasa embahada o consular office ng Pilipinas kung saan sila nagtratrabaho. May mga accredited remittance centers at bangko din kung saan sila pwedeng maghulog. Basahin ang iba’t ibang paraan ng pagbabayad ng kontribusyon at loan payments. Maari ding bisitahin ang website ng Pag-IBIG para sa mas malawak na kaalaman sa pagbabayad at pati ang listahan ng remittance partners at accredited na bangko.
Paano ang mga naihulog na sa POP?
Ayon sa Pag-IBIG, ang kontribusyon sa POP ay hindi isasama sa Pag-IBIG Fund. Bagkus isasama lang ang bilang nito kung ikaw ay kukuha ng housing loan. Hinihikayat ang mga nakapagsimula nang maghulog sa POP na ipagpatuloy ito hanggang umabot sa maturity period, kung saan maari na din nilang kunin ito.
Benepisyo ng isang Pag-IBIG member
Maraming benepisyo sa pagiging Pag-IBIG member. Ito ay nakakatulong sa inyo para makapagipon at magkaroon ng pagkakataon na makakuha ng short-term loans. Ngunit isa sa pinakaimportanteng benepisyo nito, at pinakapopular na din, ay ang pagkakataon na makakuha ng housing loan. Kapag nais ng bumili ng bahay, madaming Pilipino ang nagtatanong kaagad kung paano kumuha ng Pag-IBIG housing loan.
Ano ang mga karanasan ninyo bilang OFW sa Pag-IBIG Fund? Maari kayong magiwan ng komento sa ibaba para maibahagi ito.
Like What you've read?
-
Rc Lavarias
-
Zip Antonio
-
Rc Lavarias
-
Zip Antonio
-
-
-
-
Jonathan sarria
-
Zip Antonio
-
-
Marie Bulauan
-
Zip Antonio
-
-
Jonathan sarria
-
Zip Antonio
-
-
Yoshirou Ai
-
Zip Antonio
-
-
tophe
-
Rizza Estoconing Sta Ana
-
tophe
-
-
-
Rheajean